DFA, may paglilinaw hinggil sa sitwasyon ng tripolanteng Pinoy ng lumubog ng Chinese fishing vessel

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinuturing pa rin ng Department of Foreign Affairs o DFA na “missing o nawawala” ang 5 Pilipino na kabilang sa 39 na tripolante ng Chinese Fishing Vessel na Lu Peng Yuan Yu 028 na lumubog sa karagatang sakop ng Sri Lanka na bahagi ng Indian Ocean.

Ayon kay DFA Chief of Mission at Assistant Secretary for Migrant Workers Affairs Paul Raymund Cortes, tuloy-tuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan kasama ang Department of Migrant Workers o DMW sa mga kinauukulan kasama na ang may-ari ng barko.

Batay aniya sa ulat ng Search and Recovery Team ng Australia, may 7 labi ang nakuha mula sa tumaob na barko subalit hindi na ito makilala dahil sa tagal nang nakalubog sa tubig.

Bagaman matatagalan bago matukoy ang pagkakakilanlan ng mga nakuha na at iyong mga makukuha pa lamang na labi, sinabi ni Asec. Cortes na agad nilang ipoproseso ang repatriation sa mga labi sakaling makilala na. | ulat ni Jaymark Dagala.

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us