DFA, nanindigan na hindi puputulin ang diplomatikong relasyon sa Kuwait

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanindigan si Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na hindi puputulin ng Pilipinas ang diplomatic relations nito sa Kuwait sa gitna ng ilang labor issue.

Sa pulong ng House Committee on Overseas Workers Affairs, natanong ang opisyal kung aabot ba sa pagbuwag ng diplomatic relations ng Pilipinas at Kuwait sakaling hindi maayos ang ipinatupad na entry ban ng Kuwait sa mga Pilipino.

Ayon kay de Vega higit pa sa usapin ng labor o empleyo ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait.

Idinagdag pa nito na noong Kuwait National Day, ay dumalo pa rin ang Pilipinas sa selebrasyon kahit pa mainit pa ang balita hinggil sa pagpatay sa kababayan nating si Jullibee Ranara sa naturang bansa.

Hindi na rin aniya nais ng Pilipinas na maulit ang nangyari noong 2018 kung saan idineklarang persona non grata ng Kuwait ang ating ambassador doon dahil sa ginawang pagliligtas ng Philippine government sa mga inabusong Pilipino sa naturang bansa.

“We are not going to break diplomatic relations with Kuwait. The relations are more than just about labor issues…. nor do we want a repeat of what happened in 2018. Where the Kuwaiti…ang ginawa nila they declared our ambassador, persona non grata…so we had to recall him. We are certainly hoping that will not happen. We are not going to break diplomatic relations besides that’s not going to be the solution. Meron pa tayong mga kababayan dun.” ani de Vega

Isa sa nakikitang dahilan ng pamahalaan kung bakit nagpatupad ng entry ban sa mga Pilipino ang Kuwait ay dahil sa temporary ban ng Pilipinas sa pagpapadala ng household service workers doon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us