Digital transformation ng mga kumpaniya sa Pilipinas, isinulong ni Pangulong Marcos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Palaging nakasuporta ang Marcos Administration sa mga kumpaniya sa bansa, upang maging competitive pa ang mga ito at magawang makipagsabayan sa global market.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa harap ng US-ASEAN Business Council at US Chamber of Commerce roundtable and reception sa Blair House sa Washington DC.

Ayon sa pangulo, kailangan ang patuloy na pagsusulong ng digital transformation ng Philippine-based companies, partikular ang sektor ng semiconductor at electronics.

Sinabi ng pangulo, na nakasuporta ang bansa sa smart industry readiness ng ilang semiconductor at electronics manufacturing services companies, upang matulungan ang mga ito na bumalangkas ng kanilang transformation roadmaps. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us