Target ng Commission on Audit na makamit ang digital transformation sa kanilang mga proseso sa susunod na pitong taon sa ilalim ng termino ni Chairperson Gamaliel Cordoba.
Sa panayam sa Maynila, nabatid na nasa 140 Senior COA officials sa pangunguna ni Cordoba at mga Commissioners ang ginawang miyembro ng planning conference para mabuo ang mga gagawing istratehiya.
Ilan sa mga isinulong ni Cordoba ay ang pagpapatupad ng technology driven government accounting system na compliant sa international standards; e-audit, automated audit system para sa e-collections at e-payments at paggamit ng artificial intelligence sa malalaking data para matukoy ang mga nandadaya.
Ang digitalization ay isa sa mga isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kabilang pa sa 10-point agenda ni Cordoba ang maiakma ang mga kasalukuyang rules and regulations nila sa kasalukuyang panahon at pag-update ng audit guidelines para sa e-payment upang maisama rito ang sa social media platforms.
Isinusulong rin niya ang training ng mga auditor at iba pang tauhan na sangkot sa financial transactions.
Target rin niyang mapunan ang higit 5,000 bakanteng posisyon sa komisyon.
Pangako rin niyang tutugunan ang problema sa backlog sa disposisyon ng mga kaso dulot ng pandemya. | ulat ni Lorenz Tanjoco