Nagsanib-puwersa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at United States Agency for International Development (USAID)-RenewHealth, upang palakasin pa ang community-based drug rehabilitation (CBDR) anti-illegal drug program na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) ng pamahalaan.
Ang partnership ay opisyal na inilunsad ngayong araw sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Understanding sa pagitan ng DILG at USAID.
Kasama rin dito ang turnover ng iba’t ibang CBDR materials at learning modules ng RenewHealth sa DILG bilang bahagi ng BIDA program na ipapakalat sa mga pamahalaang lokal.
Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr., ang kolaborasyon na ito ay naglalayong maisakatuparan ang iba’t ibang drug-demand activities tulad ng pagtiyak ng access sa evidence-based at culturally appropriate tools na sumusuporta sa pagpapatupad ng CBDR; pagpapakalat ng research at best practices ng CBDR, substance use prevention at re-integration program; at capacity-building para sa mga CBDR program managers at service providers ng local government units (LGUs).
Sa pamamagitan ng MOU, magkakaloob ang USAID ng tools at materials ukol sa social behavior changes communication (SBCC) at CBDR; capacity building at information management platforms para sa CBDR; advocacy events para itampok ang mga best practice ng CBDR; at evidence-based na mga polisiya at batayan ukol sa CBDR. | ulat ni Rey Ferrer