DILG, hinimok ang LGUs na suportahan ang DOH Chikiting Ligtas 2023

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan ng Department of Interior and Local Government ang lahat ng local government units sa bansa na ganap na suportahan ang DOH Chikiting Ligtas, para mabakunahan ang mga bata laban sa tigdas, rubella, at polio.

Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos, Jr., dapat tiyakin ng LGUs na maging matagumpay ang pagpapatupad ng kampanya.

Kinakailangang ibigay ng mga ito sa Department of Health ang imbentaryo ng mga sambahayan na may mga batang wala pang 5 taong gulang at tukuyin ang mga barangay na may pinakamataas na bilang.

Sabi pa ni Abalos na dapat ding magsagawa ng orientations, information sessions, at town hall meetings ang LGUs ukol dito.

Kasabay nito, hiningi din ng kalihim ang pakikiisa ng mga stakeholder sa pagsisikap ng gobyerno upang maproteksyonan ang mga bata laban sa mga sakit. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us