DILG, magkakasa ng performance audit sa mga local Anti-Drug Abuse Council

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisimulan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang taunang performance audit sa lahat ng Anti-Drug Abuse Councils (ADACs) sa buong bansa upang masiguro ang aktibong pagkilos ng mga ito sa kampanya kontra iligal na droga.

Ayon sa DILG, sakop ng isasagawang audit ang lahat ng 81 provincial ADACs, 146 city ADACs, at 1,488 municipal ADACs sa buong bansa.

Susuriin ang mga ito batay sa ilang criteria kabilang ang kanilang pagpapatupad ng mga programa, at alokasyon ng pondo sa anti-drug activities.

Ipinunto naman ni Sec. Abalos na malaki ang papel ng mga ADAC sa whole-of-nation approach laban sa kampanya kontra iligal na droga sa pamamagitan ng pagpapaigting ng Community-Based Drug Rehabilitation (CBDR) upang alalayan ang persons who use drugs (PWUDS) na magbagong buhay.

Sa aspeto naman ng law enforcement, pinaalalahanan ni Abalos ang mga lokal na opisyal na ipagpatuloy pa rin ang puspusang drug clearing operations sa kanilang mga lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us