Kasunod ng pag-iisyu ng PAGASA ng El Niño alert, ay inatasan na ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ang lahat ng local chief executives na maghanda at magkasa ng mga mitigating measures kaugnay ng banta ng matinding tagtuyot sa bansa.
Sa isang memorandum circular, nagbigay ng direktiba si Sec. Abalos sa mga LGU na agad bumuo ng mga ordinansa para sa pagtitipid ng tubig, gayundin ang pagbibigay pahintulot sa water concessionaires at water utilities na magsagawa ng emergency leak repairs.
Dapat rin aniyang i-exempt na sa number coding ang mga water tanker na augmentation sa mga lugar na mawawalan ng suplay ng tubig.
Kasama rin sa memo ang pag-update sa contingency plans ng mga LGU sa El Niño; at stockpiling ng relief goods.
Inatasan rin nito ang mga LGU na palawakin ang information campaign na may kaugnayan sa water leaks, maging water at energy conservation measures.
“Conserving water is one of the key actions needed to be taken to mitigate effects of El Niño and as public servants, we must set an example. These precautionary steps, albeit small, can make a big difference that can affect our communities,”
Kaugany nito, inatasan na rin ng DILG ang mga LCE na makipagugnayan sa Department of Agriculture para mapaghandaan ang epekto ng El Nino sa kanilang mga pananim kabilang ang cloud seeding operations, rotational irrigation scheme at water-saving technology. | ulat ni Merry Ann Bastasa