DILG, pinaghahanda ang mga LGU sa banta ng bagyong Mawar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang mga lokal na pamahalaan na tiyaking nakalatag na ang kanilang mga paghahanda sa posibleng pagtama sa bansa ng papasok na bagyong Mawar.

Sa isang panayam, sinabi ng kalihim na inalerto na nito ang mga local official lalo na ang mga inaasahang madaraanan ng bagyo.

Kabilang sa pinatitiyak nito ang standard operational procedures na dapat ikasa ng mga LGU tulad ng paglikas sa mga residente.

Una na ring inatasan ng DILG ang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMCs) na agad nang mag-convene at magsagawa ng pre-disaster risk assessment sa posibleng pagbaha, flash floods, landslides, at debris flow na maaaring dala ng bagyo.

Patuloy naman aniya ang pakikipag-ugnayan ng DILG sa iba pang ahensya ng pamahalaan na nakatutok sa disaster response kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tiniyak na ang mga nakapreposisyong ayuda para sa mga maaapektuhan.

Kaugnay nito, nanawagan ang kalihim sa mamamayan na pag-ibayuhin ang kanilang paghahanda at manatiling nakaantabay sa mga weather update at mahahalagang anunsyo mula sa kanilang mga LGU.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us