Tinalakay na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa plenaryo ang panukala para bigyan ng diskwento ang mga mahihirap na naghahanap ng trabaho sa pagkuha nila ng mga clearance at certificate mula sa gobyerno.
Sa ilalim ng House Bill 8008 o Kabalikat sa Hanapbuhay Act, bibigyan ng 20% discount ang indigent job seekers na kumukuha ng barangay, PNP at NBI Clearance, birth at medical certificates, at kahalintulad na dokumento para sa pag-a-apply sa trabaho.
Libre naman ang bayad sa Transcript of Records, authenticated copy ng diploma, at certificate of good moral character mula sa State Universities and Colleges at Local Universities and Colleges.
Upang hindi naman maabuso, ang diskwento at waiver ay maaari lang magamit isang beses kada anim na buwan.
Agad ding naaprubahan sa ikalawang pagbasa ang panukala. | ulat ni Kathleen Jean Forbes