Diskwento sa pagkuha ng gov’t clearances pasado na sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aprubado na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magbibigay diskwento sa pagkuha ng government clearances.

Nasa 270 na mambabatas ang bumoto pabor sa panukala.

Pangunahing makikinabang sa Kabalikat sa Hanapbuhay Act o House Bill 8008 ang mga indigent job seekers.

Nasa 20% na discount ang ibibigay sa kanila sa pagkuha ng iba’t ibang clearances at certificates gaya ng Barangay Clearance, NBI at Police Clearance, Medical, Marriage, at Birth Certificates; National Certificate and Certificate of Competency (COC) mula TESDA; Certificate of Civil Service Eligibility mula CSC, at iba pang kahalintulad na dokumento.

Wala namang babayaran kung ang kukunin ay Transcript of Records, authenticated copy ng diploma, at Certificate of Good Moral Character mula sa State Universities and Colleges at Local Universities and Colleges, at Tax Identification mula sa BIR.

Ang diskwento at waiver ay maaari lang magamit isang beses kada anim na buwan.  | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us