DMW, kumpiyansang maaabot ang target na mapauwi ang mga Pilipinong nailikas mula sa Sudan ngayong buwan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala ang Department of Migrant Workers (DMW) na makakamit ng pamahalaan ang target nitong mapauwi ngayong buwan ang mga Pilipinong naipit sa gulo sa Sudan.

Ito ang inihayag ni Migrant Workers Undersecretary Hans Leo Cacdac, na kasalukuyang nasa Cairo, Egypt sa isinagawang virtual press briefing ngayong araw.

Ayon kay Cacdac, batay sa impormasyon mula sa Embahada may 146 na OFW na nagparehistro para sa repatriation subalit hindi lumutang kaya’t tinutunton na ito para kumbinsihing umuwi ng Pilipinas.

Sa datos naman ng DMW, may 205 na mga Pilipino na silang nailikas mula sa Sudan patungong Egypt na nakauwi na ng Pilipinas bukod pa ang mga Pilipinong piniling tumawid sa Port Sudan patungong Jeddah sa Saudi Arabia.

Gayunman, aminado si Cacdac na may ilan pa ring mga Pilipino ang nagnanais lumipat na lamang sa ibang bansa sa takot na mawalan ng trabaho. Subalit hinihikayat ng pamahalaan ang mga ito na umuwi na muna sa bansa, at dito iproseso ang kanilang mga dokumento patungo naman sa bansang nais nilang lipatan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us