Muling siniguro ng Department of Migrant Workers (DMW) na magkakaroon muli ng trabaho sa ibang bansa ang overseas Filipino workers (OFWs) na narepatriate mula sa bansang Sudan.
Ayon kay DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople, nakikipag-ugnayan na sila sa Ministry of Human Resources sa Kingdom of Saudi Arabia na maaccomodate ang ating OFWs na mababakante ang kanilang trabaho mula sa Sudan.
Isa ring opsyon ayon kay Ople ang pagkakaroon ng kolaborasyon sa private sector sa Pilipinas para mabigyan ng trabaho ang mga ito sa ating bansa.
Patuloy pa ring hinikayat ng DMW ang iba pang mga Pinoy sa Sudan na lumikas na sa naturang bansa dahil sa nangyayaring civil war doon at upang mabigyan ng mga benepisyo at assistance ang mga ito. | ulat ni AJ Ignacio