Nakatakdang mamahagi ng tulong pinansyal ang Department of Migrant Workers sa mga kababayan nating naapektuhan ng entry ban sa bansang Kuwait.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, aabot sa 815 na Overseas Filipino Workers na hindi natuloy ang kanilang work deployment sa Kuwait ang nakatakdang mabigyan ng financial assistance ng DMW ng aabot sa ₱30,000.
Dagdag pa ni Ople, sa naturang bilang ay 515 sa mga ito ay pawang mga domestic workers ang magiging trabaho sa naturang bansa habang iba sa mga ito ay napabilang sa services sector at mall vendors at nasa medical services.
Umaasa naman si Ople na maayos sa susunod na panahon ng pamahalaan ang naturang entry ban sa naturang bansa at patuloy na maghahatid ng tulong ang DMW sa mga OFWs na naapektuhan ng entry ban sa Kuwait. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio