DND, nagpasalamat sa pangulo at mga mambabatas sa batas na nag-amyenda sa fixed term ng mga opisyal ng AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpasalamat si Department of National Defense (DND) Officer-in-Charge, Sr. Undersecretary Carlito Galvez. Jr. sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglagda ng RA No. 11939 na nag-aamyenda sa batas na nagtakda ng fixed-term ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines o RA 11709.

Ayon kay Galvez, ikinalulugod nila ang suporta at konsiderasyon ng pangulo sa kapakanan at kabutihan ng AFP.

Nagpasalamat din si Galvez sa mga mambabatas sa pangunguna ni Speaker of the House Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez; at Senate President Sen. Juan Miguel F. Zubiri; kasama sina House Committee on National Defense Chairperson Rep. Raul C. Tupas; at Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation Sen. Jinggoy Estrada.

Sinabi ni Galvez na umaasa sila na matutugunan ng RA No. 11939 ang mga problema na posibleng kinaharap ng AFP, partikular ang demoralisasyon, kung hindi naamyendahan ilang probisyon ng RA 11709.

Sa ngayon aniya ay bumuo na ng technical working group ang DND para ilatag ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng RA 11939 alinsunod sa batas. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us