DND, nakiisa sa US Embassy sa pagdiriwang ng U.S Memorial Day

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakiisa ang Department of National Defense (DND) sa United States Embassy sa Manila sa paggunita ng U.S. Memorial Day, kahapon sa Manila American Cemetery, Bonifacio Global City.

Ang aktibidad na kinatampukan ng wreath laying ceremony ay pinangunahan ni U.S. Ambassador to the Philippines Marykay Carlson, kasama si Philippine Veterans Affairs Office Administrator Undersecretary Reynaldo B. Mapagu, na kumatawan kay DND Officer-in-Charge, Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr.

Sa kanyang pahayag, kinilala ni Amb. Carlson ang sakripisyo ng mga Pilipino at Amerikanong Sundalo noong ikalawang digmaang pandaigdig.

Sa mensahe ni Galvez na inihatid ni Usec. Mapagu, pinahalagahan ng kalihim ang matatag na alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos, na pinatunayan sa katatapos na Balikatan Joint Military Exercise, ang matagumpay na implementasyon ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), at mabungang pagbisita ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Washington kamakailan.

Ang Memorial Day ay isang US Federal Holiday, bilang pagkilala sa US military personnel na nasawi sa serbisyo. | ulat ni Leo Sarne

📷:DND

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us