DOE at NGCP, pinakikilos ni Senate President Zubiri para tugunan ang mga blackout sa Western Visayas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senate President Juan Miguel Zubiri sa Department of Energy (DOE) at sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), na resolbahin kaaagad ang mga blackout o power outages sa Western Visayas.

Iginiit ni Zubiri, hindi lang ito basta abala sa mga consumer kung hindi isang malaking problema na nakakaapekto sa ekonomiya at panganib rin sa kalusugan ng mga tao. 

Ipinunto ng Senate President, na hindi lang nitong Abril nakaranas ng extensive blackouts ang Western Visayas, noong Pebrero rin aniya ay nakaranas na rin ang rehiyon ng power outage na tumagal ng 10 oras.

Aniya, nakakaalarma na ang dalas ng mga blackout na ito at dapat nang umaksyon ang DOE at NGCP para maghanap ng pangmatagalang solusyon sa problema.

Sinabi rin ni Zubiri, na bukas ang kongreso na maamyendahan ang EPIRA law kung makikita ng nasabing mga ahensya na kailangan na itong amyendahan.

Dalawang dekada na rin naman aniya ang naturang batas at maaari aniya itong maisaayos, para matulungan ang power sector na maserbisyuhan ng mas mainam ang mga consumer at maiwasan ang mga region-wide blackouts. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us