Nais isulong ng Department of Energy ang paglalagay ng Energy Storage Facility sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang makatulong na mai-stabilize ang suppy ng kuryente sa bansa.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni DOE Undersecretary Sandy Sales na ito’y upang mapunuan ang mga kakaulangan ng supply ng kuryente sa pamamagitan ng pump hydro at mga battery storage facilities.
Dagdag pa ni Sales na may kamahalan ang mga ganitong uri ng pasilidad ngunit malaki ang maiaambag ng mga ito sakaling magkaroon ng problema sa supply ng kuryente sa bawat lugar o lalawigan sa Pilipinas.
Kaugnay nito, kapag nagkaroon na ng mga ganitong uri ng mga pasilidad sa Pilipinas ay babawasan na ang power outages sa ating bansa. | ulat ni AJ Ignacio