Nagkatakdang magdagdag ang Department of Energy (DOE) ng exploration wells sa Malampaya Gas Facility upang makadagdag ng gas supply at karagdagang supply ng enerhiya sa ating bansa.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni DOE Undersecretary Sandy Sales na ito’y nakapabilang sa panibagong pag-renew ng kontrata sa Malampaya Gas Facility ng karagdagang 15 taon.
Dagdag pa ni Sales na ito’y upang makadagdag ng supply ng enerhiya sa kabila ng pagnipis ng supply ng kuryente sa ating bansa.
Ang naturang pagdadagdag ng exploration wells sa Malampaya ani Sales ay posibleng gumastos ng nasa $80-90 million per well at tinatayang karagdagang $330-360 million naman sa pagsasaliksik sa naturang mga balon upang mapakinabangan ang mga ito.
Samantala, tinatayang nasa 20% na lamang ang naiaambag ng Malampaya sa energy supply sa ating bansa dahil sa papaubos nang gas reserves nito.
Inaaksyunan na ng DOE na maipatuloy pa ang operasyon ng naturang gas facility. | ulat ni AJ Ignacio