Upang makapaghatid ng information campaign sa pagsusulong ng energy conservation sa bansa, naglunsad ang Department of Energy (DOE) katuwang ang SM supermalls at Presidential Communications Office ng “You Have The Power” information campaign program para sa best practices ng pagtitipid sa kuryente.
Ayon kay DOE Energy Utilization and Management Bureau Patrick Aquino, layon ng kanilang pakikipag-partnership sa private sector at sa government communications na maipalaganap sa publiko ang kahalagahan ng pagtitipid at best practices para dito.
Ayon naman kay SM Assistant Vice President Charles Singson na kaisa sila sa panawagan ng DOE sa pagkakaroon ng energy conservation ng mga business sector gaya ng pagkakaroon ng solar power upang makatipid sa kuryente.
Kaugnay nito, sinabi naman ni PCO Director Faith De Guia na makakaasa ang DOE sa pagtulong ng government communications sa pagppromote ng energy conservation sa Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio