Sinimulan na ng Department of Health na pag-aralan ang mungkahi na ilipat sa ilalim ng Office of the President ang Philippine Health Insurance Corp o Philhealth.
Sinabi ni Health Officer-in-Charge Usec .Maria Rosario Vergeire, may binuo na silang Technical Working Group upang manguna na sisilip sa naturang panukala.
Aminado si Vergeire, maraming implikasyon ang naturang panukala at dapat suriing mabuti kung ano ang advantages at disadvantages nito sa gobyerno at taumbayan.
Sa ilalim ng kasalukuyang batas, dapat manatili bilang attached agency ng DOH ang Philhealth para sa mga policy coordination and guidance upang mas mabilis na matutunan ang universal healthcare ng bansa.
Hindi naman daw mamadaliin ng DOH ang binuo na technical working group na mag-aaral sa panukalang isailalim sa Office of the President ang Philhealth. | ulat ni Michael Rogas