Naniniwala ang Department of Health na nasa school officials na ang desisyon kung magpapatupad ang mga ito ng online classes para maiwasan ang mabilis na hawaan ng COVID-19 .
Ayon kay Health OIC Maria Rosario Vergeire, kabilang ito sa mga napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force at ng DOH.
Partikular aniya ang pagpapaubaya sa Education Department at sa Commission on Higher Education ng pagdedesisyon sa pagpapatupad ng pansamantalang online classes.
Inilahad din ni Vergeire ang kahalagahan ng pagsunod sa health protocol upang maiwasan ang pagkalat ng infection.
Aniya, darating kasi ang panahon na magiging ordinaryong sakit na lamang ang COVID-19. | ulat ni Lorenz Tanjoco