DOT, lumagda ng MOU sa Philippine Retail Association para sa pagsasanay ng MSME owners sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa layon ng Department of Tourism na mas maging dekalidad ang Filipino products partikular ang tourism products sa bansa lumagda ito ng Memorandum of Understanding kasama ng Philippine Retail Association upang mas paigtingin ang pagsasanay sa Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs sa bansa.

Ito’y sa kabila ng pagpapaigting ng joint implementation Micro Retail Tourism 2.0 “Essential Innovations and Product Enhancement” training module na naglalayong palakasin ang mga kakayahan ng MSMEs sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay DOT Undsecretary Maria Rica Bueno na malaking tulong ang naturang MOU upang magkaroon ng karagdagang kaalaman ang MSMEs sa bansa sa pag-iimprove ng kalidad ng kanilang produkto.

Ayon naman kay PRA President Rosemarie Ong, makakaasa ang DOT na tutulong ang kanilang asosasyon sa tourism business owners na mabigyan pa ng karagdagan pagsasanay upang makasabay ang mga ito sa product standards ng ibang mga bansa. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

📷: DOT

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us