DOT, pinapurihan ng European businessmen sa post-pandemic recovery efforts nito sa sektor ng turismo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinangaan ng mga negosyante mula sa Europa ang mga ginagawang hakbang ng DOT o Department of Tourism para makatulong sa pagbangon muli ng ekonomiya ng bansa matapos itong padapain ng COVID-19 pandemic

Ito’y matapos mag-courtesy call kay Tourism Sec. Ma. Christina Frasco ang mga kinatawan ng EU-ASEAN Business Council (EU-ABC) gayundin ng European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP)

Dito, inilatag ni Frasco ang mga ginawang hakbang ng kagawaran upang mapanumbalik ang sigla ng turismo sa bansa.

Kabilang na rito ang pagluluwag sa travel protocols at entry requirements, ang digitalization sa visa requirements at pagpoproseso nito

Gayundin ang pagdaragdag at pagpapaigting ng air connectivity, at pagtatayo ng road networks mula at patungo sa mga tourist destination.

Umaasa naman si Frasco na sa pamamagitan aniya ng mga hakbang na ito ay maitataguyod nila ang layunin ng pamahalaan na maihanay ang Pilipinas sa mga tinatawag na “tourism powehouse” ng mundo. | ulat ni Jaymark Dagala

📷: Department of Tourism

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us