DOTr, humingi ng dispensa sa mga apektadong pasahero matapos ang power outage sa NAIA Terminal 3

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan ang ugnayan sa pagitan ng Department of Transportation o DOTr at ng Manila Electric Company o MERALCO.

Ito’y para alamin ang ugat ng nangyaring power outage sa NAIA Terminal 3 kaninang madaling araw.

Pero paglilinaw ni Transportation Sec. Jaime Bautista, domestic flights ang apektado ng outage at wala namang nadamay na international flights.

Bagaman pinagana naman ang generator sets, aminado si Bautista na hindi ito sapat dahil sa limitadong kapasidad nito.

Kasalukuyan nang nagpupulong ang DOTr at ang MERALCO para sa assessment kung paanong hindi na ito mauulit sa hinaharap.

Sa huli, humingi naman ng paumanhin ang DOTr at ang MIAA sa abalang idinulot nito sa mga apektadong pasahero. | ulat ni Kaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us