DOTr, inatasan na ang attached agencies nito na maghanda sa posibleng epekto ng bagyong Mawar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inatasan na ng Department of Transportation ang kanilang attached agenices na maging handa sa posibleng epekto ng pananalasa ng bagyong Mawar sa bansa.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, inatasan na niya ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, Philippine Ports Authority o PPA, Manila International Airport Authority o MIAA, Clark International Airport Corporation at Philippine Coast Guard sa anumang magiging banta sa sektor ng transportasyon sa pagpasok ng naturang bagyo.

Kaugnay nito, magbababa ng high alert status sa lahat ng mga maliliit at malaking pantalan mapa-pribado at pampublikong pantalan at paliparan sa bansa paglapit ng bagyo sa northern luzon.

Patuloy namang nakikipag-coordinate ang DOTs sa iba pang mga tanggapan at ahensya ng pamahalaan para makatulong sa calamity response. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us