Muling tiniyak ng Department of Transportation ang commitment nitong i-upgrade ang mga paliparan at magtayo ng bago upang paunlarin ang regional trade at logistics.
Naka-angkla ang plano sa Clark International Airport na tinaguriang “Asia’s next premier gateway”.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, mahalaga ang kontribusyon ng infrastructure projects sa kalakalan at logistics.
Iba’t iba aniya ang antas ng epekto ng imprastraktura kabilang ang improved connectivity, paglago ng ekonomiya at pamumuhunan at regional trade facilitation.
Bukod dito, iginiit ni Bautista na nakatutulong ang mga proyekto sa epektibong supply chain operations, cost effective transport solutions, environmental sustainability, socio-economic benefits, passenger mobility at pagtugon sa congestion. | ulat ni Hajji Kaamiño