Upang mas maging ligtas ang ating mga sisklista sa Pilipinas, nakapaglagay na ang Department of Transportation (DOTr) ng nasa 564 kilometrong bike lanes sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon sa DOTr, ito’y para mabigyan ng maayos at ligtas na daanan ang ibang mode of transport tulad ng pagbibisikleta sa bansa kabilang na din ang maayos na sidewalk at pedestrian lane ng ating mga kababayan.
Kaugnay nito, target ng kagawaran na makapagtayo ng nasa 2,400 kilometrong bike roads hangang sa taong 2028. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio