Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWN) sa Rehiyon 2 ang deployment ng mga personnel at equipment bilang paghahanda sa paparating na bagyong #BettyPH.
Naglagay ng Quick Response Asset ang District Engineering Offices sa 32 strategic location sa buong Cagayan Valley.
Ang mga assistance stations para sa highway clearing operations ay inilagay sa mga national road na pangangasiwan 24/7 ng DPWH maintenance teams.
Naka-stand-by din ang mga equipment at service vehicle para magbigay ng agarang tulong sa mga residente para sa rescue operations.
Ayon sa DPWH, ang mga lokasyong ito ay matatagpuan sa 5 lalawigan tulad ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Batanes.
Inilagay ito sa mga critical areas na prone sa pagbaha at pagguho ng lupa para sa agarang pagtugon. | ulat ni Rey Ferrer