DPWH, nakahanda na para sa posibleng hagupit ni bagyong Betty

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakahanda na ang buong tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa posibleng magiging epekto ng papalapit na bagyo sa bansa.

Kaugnay nito, inatasan ni DPWH Secretary Manuel Bonoan ang Disaster Risk Reduction Management Teams ng Regional at District Engineering Offices nila na mag-monitor at manatiling nakatutok sa anunsiyo ng PAGASA.

Ayon pa kay Bonoan, naka-posisyon na rin ang kanilang quick response assets na kinabibilangan ng mga maintenance crew at equipment sa mga national roads para rumesponde sakaling magkaroon ng pagsasara at sagabal sa mga kalsada.

Nauna ng inatasan ng kalihim ang mga tauhan na magputol ng mga sanga ng puno kung kinakailangan, declogging ng drainage at waterways para maiwasan ang aksidente sa daan at pagbaha.

Bukod sa pagsisiguro na magiging malinis at walang sagabal sa mga national road, inutusan ni Bonoan ang mga tauhan na tukuyin ang mga alternatibong ruta upang hindi masagabal ang pagpapadala ng goods and services.

Inatasan niya rin ang lahat ng Regional at District Engineering Offices na magtayo ng temporary structures para mapabilis ito kung kinakailangan. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us