Draft curriculum ng DepEd kung saan nakapaloob ang pagtuturo ng red tagging, trolling, EJK, welcome sa CHR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome sa Commission on Human Rights (CHR) ang inilabas na draft K-10 curriculum ng Department of Education (DepEd) kung saan nakapaloob ang pagtuturo ng mga paksang ‘red-tagging, trolling, at extrajudicial killings (EJKs).

Sa curriculum sa subject na araling panlipunan, magiging parte ng pagtuturo ang paksa tungkol sa mga paglabag sa human rights kabilang ang red-tagging at EJK.

Para sa CHR, makabuluhan ang desisyong ito ng Deped na isama ang usapin ng red-tagging at EJK bilang human rights violations.

Sa pamamagitan nito ay maisusulong aniya ang pagpapahalaga sa human rights at rule of law sa mga kabataang Pilipino.

Makatutulong rin aniya ito para maipabatid sa mga mag-aaral ang kapahamakang kaakibat ng red-tagging, gayundin ang kahalagahan ng pagprotekta sa karapatang pantao.

Ayon pa sa CHR, ang draft curriculum ng Deped ay naaayon sa polisiya sa Rights-Based Education (RBE) Framework sa basic education.

Kaugnay nito, hinikayat naman ng komisyon ang Deped na tiyaking magiging balanse ito sa pagtuturo ng paksa at consistent ang implementasyon ng curriculum sa human rights education. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us