DSWD, hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri ng FDA sa ni-recall na canned tuna sa food packs

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi pa rin kasama sa ipinamamahagi nitong family food packs ang ni-recall na de-latang tuna na inireklamong may kakaiba umano ang lasa at hitsura.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, sa ngayon ay tinatapos pa ng kanilang fact-finding team ang review sa naturang canned good.

Kasama rin sa hinihintay ang resulta ng pagsusuri mula sa Food and Drug Administration (FDA) sa kalidad ng tuna.

Sa ngayon ay nagpalit na aniya ang ilan nilang field offices ng ibang brand ng tuna habang may iba namang dinoble nalang ang sardinas o corned beef sa food packs.

Siniguro naman ni Sec. Gatchalian na oras na maberipika ng FDA na problema sa canned tuna ay agad silang aaksyon para ma-reimburse ang lahat ng ginastos rito ng pamahalaan kasama na ang administrative costs.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us