DSWD: May sapat na NFA rice para sa relief efforts

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na may sapat na NFA rice para sa mga relief effort.

Sa press briefing sa DSWD para sa paghahanda sa posibleng super typhoon sa bansa, sinabi ni Gatchalian na nangako ang National Food Authority (NFA) na magtatagal pa ng tatlong buwan ang maibibigay na rice supply para sa relief efforts ng ahensya.

Sinabi pa ni Gatchalian, na sa ngayon ay wala namang iniisyung certificate of non-availability ang NFA.

Nangangahulugan aniya na may sapat pang suplay ng bigas ang DSWD.

Sa ngayon aniya, patuloy na nagsusuplay para sa relief supplies ang warehouse ng NFA sa La Union at sakaling magkulang ay mayroon namang makukuha sa MIMAROPA region.

Giit ng kalihim, sakaling mag-isyu ang NFA ng naturang sertipikasyon maghahanap ang DSWD ng ibang source para sa procurement ng bigas. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us