DSWD, nakapaghanda na ng higit isang milyong relief items sa mga lugar na posibleng tamaan ng super typhoon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa isang milyong relief items ang nailaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na posibleng tamaan ng papasok na bagyong Mawar.

Ito ang iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa isinagawang inter-agency meeting ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na bahagi ng preparedness measures ng pamahalaan.

Ayon sa kalihim, bukod sa family food packs (FFPs) ay mayroon na ring 307,664 non-food items (NFIs) ang naka-preposisyon sa strategic locations at warehouses sa ibat ibang rehiyon pati na sa DSWD National Resource Operations Center (NROC) at Visayas Disaster Resource Center (VDRC).

Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masigurong nakahanda na ang augmentation support ng DSWD sa mga LGU na maapektuhan ng super typhoon.

Nagpasalamat naman ang kalihim sa Department of National Defense (DND) sa tulong nito para maihatid ang relief packs sa Batanes na isa sa mga lalawigang tinututukan ng pamahalaan.

“Thank you to DND, PAGASA, and DOST for providing us with necessary tools. Everybody, thank you kasi we all know that relief operations require all this data and the logistics to it. So maraming salamat on behalf of the DSWD bureaucracy,” pahayag ng DSWD chief.

Sa ngayon, tuloy-tuloy na ang pakikipag-ugnayan ng DSWD sa mga concerned LGUs upang masiguro ang sapat na tulong na ipagkakaloob sa mga posibleng maapektuhan ng bagyo.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us