Nagbigay ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at lokal na pamahalaan ng Parañaque sa mga nasunugan sa Brgy. San Antonio.
Aabot sa 600 pamilya ang napagkalooban ng tulong.
Kabilang sa naipamahaging tulong ang bigas, groceries, cash assistance, family kit, hygien kit, sleeping kit, at relief supply.
Nitong Huwebes naganap ang sunog na umabot sa ikaapat na alarma.
Ilan sa mga residente, tanging damit na suot lang ang naisalbang gamit. | ulat ni Don King Zarate