DSWD, pinaghahandaan na ang papalapit na tropical cyclone

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsasagawa na ng repacking ng Family Food Packs ang Department of Social Welfare and Development – National Resource Operations Center bilang paghahanda sa paparating na tropical cyclone.

Base sa ulat ng PAGASA, maaari umanong maging supertyphoon ang namataang tropical cyclone.

Bukod sa paghahanda ng family food packs, mahigpit na ring nakikipag-ugnayan ang DSWD-National Resource

and Logistics Management Bureau sa field offices nito na maaaring tamaan ng weather disturbance.

Sa kasalukuyan, may initial deliveries na ng relief supplies at magpapatuloy ang pagbibigay ng kinakailangang augmentation sa Field Offices ng DSWD. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us