DSWD, tiniyak na may sapat na relief goods para sa maaapektuhan ng Bagyong Betty

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling tiniyak ni Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian sa publiko na may sapat na relief goods na istratehikong inilagay sa iba’t ibang lugar sa bansa bilang paghahanda sa bagyong Betty.

Sinabi ng kalihim na naka-pre-postioned na sa iba’t ibang warehouses ang mahigit 800,000 family food packs na maaaring agad na i-tap ng local government units para ipamahagi sa mga apektadong mamamayan. .

Mula sa kabuuang bilang, mahigit 80,000 Family Food Packs ang na-pre-position sa Cagayan Valley Region; halos 50,000 naman sa Ilocos Region, at higit sa 40,000 sa Central Luzon.

Bukod sa relief goods, patuloy din ang repacking ng kagawaran ng mga FFP sa mga disaster hub at regional warehouse nito.

Naka-stand by din ang mga miyembro ng DSWD Quick Response Teams para sa on-the-ground monitoring ng mga update at koordinasyon sa mga LGU. | ulat ni Rey Ferrer

📷: NRLMB, DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us