Nagkasa ng isang public consultation ang Department of Trade and Industry (DTI) na may kaugnayan sa panukalang Joint Memorandum Circular, para i-harmonize ang online accreditation para sa mga freight forwarder.
Pinangunahan ng DTI Digital Philippines Supply Chain and Logistics Management Division ang naturang public consultation.
Ayon kay DigitalPH Assistant Secretary Mary Jean Pachecor, layunin ng Joint Memorandum Circular na ma-streamline ang proseso ng accreditation para sa mga sea at air freight forwarder.
Sa ilalim nito, lilikha ng unified application form at pagtataguyod ng single system na mapaganda ang serbisyo ng mga freight forwarder.
Bahagi ito ng adaptation ng electronic o e-airwaybill, single clearance certificate on transit cargoes, at iba pang logistical measures. | ulat ni Jaymark Dagala