Economic agenda at transformative projects ng Marcos Jr. Administration, suportado ng World Bank

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinalakay ng Department of Finance (DOF) at World Bank ang pagpapatuloy ng “partnership” upang isulong  ang mga “transformative” project sa Pilipinas.Sa pulong nila Finance Secretary Benjamin E. Diokno sa bagong talagang World Bank Managing Director for Operations Anna Bjerde, napag-usapan ang mga nasabing proyekto. Kabilang dito ang sa larangan ng agrikultura, food security, health, education, renewable energy, and climate finance. Nakatakda rin mag courtesy visit ang World Bank team kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong linggo. Ayon kay WB Director Bjerde, ipiprisinta nila ang suporta ng WB sa economic agenda ng administrasyon, at ang  Philippine Development Plan 2023-2028. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us