Economic Devt Group, sinisigurong nakakamit ang medium-term socioeconomic goals ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling committed ang Economic Development Group (EDG) na siguruhing nakakamit ng bansa ang medium-term socioeconomic goals sa kabila ng domestic challenges at mahinang global growth outlook.

Sa pulong ng EDG na pinamumunuan ng National Economic and Development Authority (NEDA) at Department of Finance (DOF), natukoy ang mga hamon na posibleng makaapekto sa galaw ng ekonomiya at tinalakay ang mga nakikitang solusyon.

Kabilang sa mga problema ang krisis na dulot ng El Niño, mabagal na paglago ng global economy na nakakaapekto sa trade performance, at epektibong implementasyon at monitoring ng high-priority government projects.

Pinag-usapan din ng EDG ang monitoring system para sa infrastructure flagship projects (IFPs) sa ilalim ng “Build Better More” program pati na ang pagbuo ng high-frequency monitoring systems para sa priority budget items.

Lumilikha na ang NEDA ng public dashboard para sa IFPs upang itaguyod ang transparency at accountability sa implementing agencies. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us