Itinaas na ng PAGASA ang El Niño Alert sa bansa kasunod ng tumitinding init ng panahon.
Ayon sa weather bureau, kung pagbabatayan ang mga pinakahuling model forecasts ay lumalabas na mayroon nang 80% posibilidad na iiral ang El Niño na siyang abnormal o hindi pangkaraniwang init ng panahon sa mga susunod na buwan.
Posible magsimula ito mula Hunyo hanggang Agosto at maaaring tumagal hanggang sa unang quarter ng 2024.
Sa panahon ng El Niño, ay inaasahan ang below-normal rainfall mas kakaunting ulan at pati na ang tagtuyot at dry spell sa ilang bahagi ng bansa.
Samantala, posible namang maranasan sa kanlurang bahagi ng bansa ang above-normal rainfall lalo sa habagat season.
Una nang sinabi ng PAGASA na oras na itaas na ang El Niño Alert ay magco-convene na rin ang Task Force El Niño para sa paglalatag ng preparedness plan kaugnay ng tagtuyot. | ulat ni Merry Ann Bastasa