Electric Cooperatives, binalaan laban sa ‘blacklisted contractors’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binalaan ng National Electrification Administration ang lahat ng electric cooperatives sa bansa laban sa mga blacklisted contractor.

Nilalayon ng NEA na maiwasan ang pagkaantala sa pagpapatupad ng subsidy-funded projects.

Gaya ng nakasaad sa NEA Memorandum 2023-23, inaatasan ang mga EC na singilin at magpataw ng liquidated damages laban sa mga erring contractor para sa lahat ng

mga pagkaantala sa pagpapatupad ng mga proyekto.

Inobliga din ang mga ito na magsumite ng listahan ng blacklisted contractors para i-post sa website ng NEA.

Pinaalalahan ang mga EC na maging sila ay mapapatawan ng administrative sanctions kapag tumanggap ng bids mula sa blacklisted contractors.

Kinakailangan din nilang mahigpit na sumunod sa mga inilabas ng ahensya sa Procurement Activities for Subsidy-Funded Projects. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us