Estudyante na na-recruit bilang NPA, patay sa engkwentro sa Cagayan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasawi sa pakikipaglaban sa mga tropa ng 501st Infantry Brigade ng Philippine Army 5th Infantry Division ang dalawang NPA members sa Sitio Bigoc, Bgy Alucao, Sta Teresita, Cagayan.

Kinilala ni Northern Luzon Command (NOLCOM) Commander, Lt. General Fernyl G. Buca, ang isa sa mga nasawi na si Alyas Morga, isang estudyante ng University of the Philippines (UP) na na-recruit ng mga teroristang komunista.

Ayon sa impormasyon ng NOLCOM, si Morga ay nagtangkang tumakas sa NPA noong Enero dahil sa hirap na naranasan sa bundok, pero nabigo ito, at kinalunan ay natuklasan ng mga terorista ang kanyang plano.

Samantala, narekober naman ng mga tropa sa encounter site ang dalawang R4 rifles, isang M16 rifle, at isang M653 rifle.

Nanawagan naman si Lt. Gen. Buca sa mga nalalabing miyembro ng kilusang komunista na magbaba na ng armas sa gitna ng sunod-sunod na matagumpay na Security operation ng militar laban sa mga teroristang komunista. | ulat ni Leo Sarne

?: NOLCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us