Hiniling ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa pamahalaan na alisin na ang eTravel requirement sa inbound passengers sa Pilipinas.
Para sa mambabatas, oras na maalis ang eTravel ay mas lalong dadami ang turista at maging ang mamumuhunan na papasok sa Pilipinas.
Katunayan aalisin na aniya sa US ang pagpapakita ng pruweba na bakunado laban sa COVID-19 ang isang biyahero simula May 11, samantalang matagal nang inalis ng Canada ang requirement na ito.
Dagdag pa ng kinatawan, ang naturang mga bansa ay nakaranas din ng COVID-19 outbreak ngunit tumatanggap na ng maraming pasahero mula sa ibang bansa at tuluyan nang nagluwag sa biyahe.
Ang mga pasaherong pupunta sa Pilipinas ay kailangang magrehistro sa website ng eTravel 72 oras bago ang kanilang biyahe.
Kailangan namang ipakita ang registration bago pasakayin sa eroplano.
“…I believe a logical step further for Malacañang’s policy of increasingly relaxing anti-Covid health protocols and reopening our economy to global business and travel is the ditching of the eTravel document as a border entry prerequisite for international travellers. A lot more people can be enticed to go to the Philippines, whether for pleasure or business, if we were to get rid of the E-Travel document…” ani Villafuerte | ulat ni Kathleen Forbes