Pinuri ng Philippine Red Cross ang isang volunteer fire responder matapos magpamalas ng katapatan habang tumutulong sa insidente ng sunog sa Mandaluyong City.
Binigyang-pugay ng PRC ang volunteer na si Rommel Barroga, na nagsauli ng nakitang pera sa kasagsagan ng pagresponde sa sunog.
Sinabi ng Red Cross, na hindi matatawaran ang commitment ni Barroga sa dedikasyon at integridad dahil hindi ito nagpadala sa tukso.
Ipinunto ni PRC Chairperson Richard Gordon, na tunay na kahanga-hanga ang fire volunteer lalo’t ang katapatan ay ipinakita sa harap ng emergency.
Pinalalakas anila ng ganitong pangyayari ang misyon ng PRC na magdulot ng positibong epekto at maisulong ang kultura ng tiwala at integridad. | ulat ni Hajji Kaamiño
Fire volunteer sa Mandaluyong, pinuri ng Philippine Red Cross dahil sa katapatan