First Lady Liza Araneta Marcos, naghatid ng ‘Lab for All’ sa Batangas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni First Lady Liza Araneta Marcos ang paglulunsad ng programang ‘Lab for All’ na layuning maghatid ng mura at de kalidad na laboratoryo sa mga mahihirap na Pilipino.

Sa pagtutulungan ng Office of the President, Department of Health, at Department of the Interior and Local Government, sinimulan kanina sa Batangas ang unang pagbubukas ng Lab for All.

Ang Lab for All ay isang paraan ng Unang Ginang upang ibaba sa mga Pilipino ang serbisyong medikal.

Sa ilalim ng programang ito, mayroong libreng laboratoryo, konsulta sa mga doktor at de kalidad na gamot para sa lahat.

Kasama ng Unang Ginang si Governor Herminigildo Mandanas at ang iba pang lokal na opisyal.

Bukod sa Batangas, dadalhin din ng Unang Ginang sa iba pang panig ng bansa ang Lab for All. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us