Follow up sa mga napagkasunduang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at US, tiniyak ni Pangulong Marcos Jr. kasunod ng official visit nito sa Estados Unidos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng ilang araw na official visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Washington ay tiniyak nitong may kaukulang team na tututok sa mga napagkasunduang kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

Sa post-visit statement ng Presidente, sinabi nitong makatutulong ang mga kooperasyong napagkasunduan para sa advancement ng key priorities ng bansa.

Ito ay tumutukoy sa agriculture and food security, energy security, pagpapalakas ng connectivity at digitalization gayundin ang may kinalaman sa climate change mitigation and adaptation. 

Kasama rin sa patututukan ng Pangulo ang mga investment support na aniya’y makatutulong sa economic recovery effort ng bansa, at mas makapagpapatatag sa pundasyon ng economic environment.

Babalik sa bansa ang Pangulo bitbit ang $1.3 billion dollar investment pledges na makapagbibigay ng 6,700 na mga bagong trabaho sa mga Pilipino. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us