May hakbang ng ginagawa ang pamahalaan para sa posibilidad na pagpapatupad ng Food Stamp program.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng kanyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Asian Development Bank kabilang na kay ADB President Masatsugu Asakawa.
Ayon sa Chief Executive, malaking tulong ito sa mga kababayan na aniya’y dati nang iminungkahi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Pag-amin ni Pangulong Marcos, kanyang ikinagulat na wala pa palang ipinatutupad na ganitong uri ng programa ang pamahalaan na ayon mismo sa Punong Ehektuibo ay ginagawa na sa ibang mga bansa at masasabing epektibo.
Ang konsepto sa ibang bansa ng ‘food stamp program’ ay ang pagbibigay ng nutritional support sa mga pamilyang nasa kategoryang ‘low paid’ gayundin sa ‘low income older adults’, ‘people with disabilities’ na may fixed income at pamilyang may mababang income. | ulat ni Alvin Baltazar
📸: Office of the President