Food trucks ng PH Red Cross, naka-standby na para tumulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Betty

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa nang ipakalat ng Philippine Red Cross (PRC) ang disaster response food trucks nito upang tumulong sa mga maaapektuhan ng bagyong Betty.

Ayon kay PRC Chairperson Richard Gordon, agad na rumeresponde ang “Hot Meals on Wheels” sa loob ng 24 na oras matapos hagupitin ng bagyo ang isang komunidad.

Mayroong 35 food trucks ang PRC sa iba’t ibang bahagi ng bansa na ang layunin ay tugunan ang pangangailangan sa nutrisyon ng mamamayan.

Iginiit ni Gordon, na ang suporta ng donors at aksyon ng local government units ay patunay na ang availability at accessibility ng food trucks ay higit na pangangailangan sa panahon ng kalamidad.

Bukod sa food trucks, naka-preposition na aniya ang disaster response equipment tulad ng amphibians, rescue boats, ambulansya, 6×6 trucks, payloaders at water tankers.

Gayundin ang relief items gaya ng tarpaulins, sleeping kits, food packs at water containers na naka-standby sa warehouse ng PRC sa Subic. | ulat ni Hajji Kaamiño

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us