Fund raising concert, isasagawa ng Phil. Air Force para sa kanilang anibersaryo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaanyayahan ng Philippine Air Force ang publiko na dumalo sa isang Fund Raising Concert bilang bahagi ng pagdiriwang ng kanilang ika-76 na anibersaryo.

Ang konsyerto na pinamagatang “AXEL PAF” ay isasagawa sa Hunyo 23 ng 8:30 ng gabi sa The Theatre at Solaire.

Tampok dito ang mga tinaguriang “top guns” ng Original Pilipino Music na maghahandog ng kanilang “greatest hits” at mga sikat na awitin ng dekada 80 at 90.

Kabilang dito sina Randy Santiago, Geneva Cruz, Rosselle Nava, Raymond Lauchengco at Gino Padilla.

Ang konsyerto ay para sa benepisyo ng Philippine Air Force Welfare Fund at PAF Officers’ Ladies Club Educational Assistance Program. | ulat ni Leo Sarne

📷: Philippine Air Force

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us